Tiwala, Paninindigan at Pagkakaibigan

Malimit nagiging problema natin ito, ano nga ba ang tama? ano ba ang pipiliin? ang tiwala na nabasag na? o yung maninindigan ka sa isang bagay na alam mong tama? o pipiliin mo ang pagkakaibigan kahit alam mong mali na at abusado na...

Nabubuhay ang bawat nilalang sa mundo na malaki ang obligasyon sa sandaigdigan dahil simula palang mailalang ang buong kalawakan may naka-atang na ng malaking responsibilidad ang bawat isa sa atin. Ang buhay ng tao ay parang track and field lang-may starting line at syempre may finish line.

Kung iisiping mabuti dapat ang bawat isa ay piliin ang tamang direksyon dahil sabi nga nila Life is too short to do bad things.Bakit hahayaan mong masira ang buhay mo samantalang lahat ay may hangganan.

Sa lahat ng bagay ang tiwala at paninindigan ang pinakaimportante sa lahat, magtiwala ka sa kakayahan mo at manindigan ka sa tama at balanseng hatol ng buhay.Lahat ng nilalang sa mundo ay may kanya-kanyang kaibigan at mismong tayo ang pipili kung sino at paano natin patatakbuhin ang relasyong binuo natin.

Piliin ang mga kaibigan na marunong tumanggap ng pagkakamali.Ang mga kaibigan ay isa sa mga pundasyon natin sa kung ano ang gusto natin maging sa susunod na bukas.Ang kaibigan din ay sarili mong repleksyon ng iyong tagumpay. Ikaw paano mo pinipili ang mga kaibigan mo?


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

Alamat ng Puso ng Saging

BAKIT NGA BA ang SABI NGA NI BOB ONG ang PAMAGAT ng BLOG ko?