POGI PROBLEM backtoback GANDA PROBLEM

Marami tayong pamantayan kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng maganda at pogi...naniniwala din tayo na ang mga nabibiyayaan ng ganitong hitsura ay mas binibigyan ng prioridad lalo na sa paghahanap ng trabaho..."PLEASING PERSONALITY" ika nga..minsan pumapangalawa nalang ang Educational Attainment mo...bakit nga ba napakaimportante ng hitsura sa mga Pinoy? di ba mas importante ang kakayahan at kalooban ng isang indibidwal...
NAKITA KO SA ISANG POST SA FACEBOOK ANG ADVANTAGE AT DISADVANTAGE NG PAGIGING GWAPO/MAGANDA RAW...
MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING
GWAPO
1. Hindi pwedeng lumabas ng bahay ng di naliligo o nagpapabango
2. Habulin ng mga matrona, babae at nagpipi-feeling babae
3. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao
4. Sinasabihang “bakla”
5. Laging sinisiksik sa loob MRT/LRT kahit maluwag naman
6. Hindi pwedeng tumawad sa palengke kung ayaw marinig ito”Kay gwapo-gwapo wala namang pera”
7. Sinasabihang mayabang at suplado.
8. Walang karapatang magkaroon ng tinga sa ngipin, tumulo ang laway pag natutulog at magkaroon ng muta sa umaga.
9. Akala nila mabango rin pati utot mo
10. Laging natsan-tsansingan sa dyip, bus,
MRT/LRT, gym, sinehan at kung saan saan pa.
MGA ADVANTAGES NG HINDI GWAPO
1.nagpapatawa mukha pa ring nakakatawa
2. Okay lang lumabas ng bahay ng di nag-aayos at naliligo (kaya may lisensyang
magkaroon ng putok at bad breath)
3. Hindi sinusundan ng makukulit na Saleslady dahil otomatiko na raw na hindi
sila bibili
4. Pwedeng maging boksingero dahil hindi raw panghihinayangan ang mukha
5. Mabenta tuwing “Halloween”
6. Kahit magkaroon ka ng sex video walang gaanong papansin.
7. Hindi na kailangan mag-ubos ng pera para sa facial, eskinol, glutathione at kung ano ano pang pampagwapo.
8. Pwedeng mangulangot, umutot, dumighay at dumura sa harap ng
maraming tao.
9. Madalas katakutan sa looban at kanto, dahil mukhang kakain ng tao.
10. Hindi malilito o lilingon pag may tumawag na “Hoy!Pogi!” sa likod.
KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA....
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento