Alamat ng Puso ng Saging
Noong unang panahon, sa isang malayo at liblib na lugar ay may mag-anak na naninirahan sa tabi ng kabundukan. Ang mag-asawa na si Aling Beti at Mang Fredo ay mga madasaling tao. Palagi silang tumatawag sa Dios, at tinuruan din nila ang kanilang mga anak sa pagdarasal at pagtawag sa Dios lalo na kapag sumasapit ang oras ng orasyon. Ang anak nila ay sina si Sani at Gino na mabait at magalang na mga anak. Palagi nilang sinusunod ang utos ng kanilang mga magulang at pagsapit ng orasyon ay nasa loob na sila ng bahay para makilahok sa pagdarasal kasama ang ina at itay nila. Madami ang natutuwa sa magkapatid dahil sa taglay nilang kabaitan at sila ang katuwang ng kanilang magulang sa pagtatanim at kilala ang mag-anak sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda ang kanilang mga magulang, at si Sani at Gino naman ay lumaking makikisig at mabubuting binata. Dahil sa katandaan ang mga magulang nila ay nanatili nalang sa bahay , samantalang an...