Alamat ng Puso ng Saging

 


 Noong unang panahon, sa isang malayo at liblib na lugar ay may mag-anak na naninirahan sa tabi ng kabundukan. Ang mag-asawa na si Aling Beti at Mang Fredo ay mga madasaling tao. Palagi silang tumatawag sa Dios, at tinuruan din nila ang kanilang mga anak sa pagdarasal at pagtawag sa Dios lalo na kapag sumasapit ang oras ng orasyon. Ang anak nila ay sina si Sani at Gino na mabait at magalang na mga anak. Palagi nilang sinusunod ang utos ng kanilang mga magulang at pagsapit ng orasyon ay nasa loob na sila ng bahay para makilahok sa pagdarasal kasama ang ina at itay nila. Madami ang natutuwa sa magkapatid dahil sa taglay nilang kabaitan at sila ang katuwang ng kanilang magulang sa pagtatanim at kilala ang mag-anak sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda ang kanilang mga magulang, at si Sani at Gino naman ay lumaking makikisig at mabubuting binata. Dahil sa katandaan ang mga magulang nila ay nanatili nalang sa bahay , samantalang ang magkapatid ang naghahanap ng kanilang pangkabuhayan. At kahit matatanda na ang kanilang mga magulang di pa rin nila nakakalimutang magdasal at magpasalamat sa Dios. Minsan habang nasa kabundukan ang magkapatid ay may nakilala silang magandang dilag na si si Waka at ang dalawang makisig na binata ay umibig sa iisang babae.Ang magandang dilag ay nag susumamo sa dalawang binata na magkasundo at ipagpatuloy ang pagiging marespeto sa magulang, ngunit ang dalawa ay di nakinig at ipinagpatuloy ang paligsahan sa puso ng magandang dilag.Naging suwail at nakalimutan nilang pagsilbihan at pakainin ang kanilang mga magulang. Lumipas ang araw ang magkapatid ay naging magkaribal sa puso ni Waka, naging sakim at mortal silang magkaaway.Itinuring nila ang isa’t -isa na magkakompetensya sa puso ng magandang dilag. Dahil sa pangyayari nawalan na sila ng panahon at lalo nilang napabayaan ang kanilang mga magulang na naging sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay nila na may pagtatampo at pagdadalamhati sa kanilang puso . Ang magkapatid ay lalong napuno ng poot at di nakikitaan ng pagsisisi sa pagpanaw ng magulang. Bumalik ang dalawa sa kabundukan para makipagkita kay Waka subalit wala na doon ang magandang dilag bagkus ang nagpakita sa kanila ay isang matandang babae at nagwika “Dahil binulag kayo ng Pag-Ibig at kasakiman, naglaho ang Dalisay na pag-ibig ninyo sa inyong mga magulang na nag-aruga mula sa pagsilang ninyo …Kaya kayo ay aming pinaparusahan at simula ngayon ay gagawin namin kayong “Puso ng Saging “.Ang dalawang binata ay kumaripas ng takbo sa takot at nagsisigaw ng may pagsisisi subalit mas makapangyarihan ang parusa ng mga Mabubuting Engkanto at unti-unti ang dalawang binata ay naging Puso ng Saging kung saan unti-unting tumitiklop… na may patak ng mga luha. Simula noon mapapansin natin na ang Puso ng Saging ay nagtataglay ito ng malapawis at luha sa kanyang katawan at pinaniniwalaan na ito ay luha ng pagtangis ng magkapatid. Kaya mga bata laging tatandaan na maging mapagmahal at masunurin sa Dios at magulang, wag na wag kayong makikipag-away sa inyong mga kapatid bagkus magtungan kayo ng may pagmamahal at respeto. Mahalin din natin ang ating mga magulang at sa katandaan nila gabayan at alagaan natin sila.Pahalagahan ninyo ang inyong mga magulang dahil sila ay biyayang kaloob ng Dios. #OriginalStorybyTosh

Noong unang panahon, sa isang malayo at liblib na lugar ay may mag-anak na naninirahan sa tabi ng kabundukan.

Ang mag-asawa na si Aling Beti at Mang Fredo ay mga madasaling tao. Palagi silang tumatawag sa Dios, at tinuruan din nila ang kanilang mga anak sa pagdarasal at pagtawag sa Dios lalo na kapag sumasapit ang oras ng orasyon.

Ang anak nila ay sina si Sani at Gino na  mabait at magalang na mga anak. Palagi nilang sinusunod ang utos ng kanilang mga magulang at pagsapit ng orasyon ay nasa loob na sila ng bahay para makilahok sa pagdarasal kasama ang ina at itay nila.

Madami ang natutuwa sa magkapatid dahil sa taglay nilang kabaitan at sila ang katuwang ng kanilang magulang sa pagtatanim at kilala ang mag-anak sa pagtulong sa mga nangangailangan.


Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda ang kanilang mga magulang, at si Sani at Gino naman ay lumaking makikisig at mabubuting  binata.

Dahil sa katandaan ang mga magulang nila ay nanatili nalang sa bahay , samantalang ang magkapatid ang naghahanap ng kanilang pangkabuhayan. At kahit matatanda na ang kanilang mga magulang di pa rin nila nakakalimutang magdasal at magpasalamat sa Dios.


Minsan habang nasa kabundukan ang magkapatid ay may nakilala silang magandang dilag na si
si Waka at ang  dalawang makisig na binata ay umibig sa iisang babae.Ang magandang dilag ay nag susumamo sa dalawang binata na magkasundo  at ipagpatuloy ang pagiging marespeto sa magulang, ngunit ang dalawa ay di nakinig at ipinagpatuloy ang paligsahan sa puso ng magandang dilag.Naging suwail at nakalimutan nilang pagsilbihan at pakainin ang kanilang mga magulang.

Lumipas ang araw ang magkapatid ay naging magkaribal sa puso ni Waka, naging sakim at mortal silang magkaaway.Itinuring nila ang isa’t -isa na magkakompetensya sa puso ng magandang dilag. Dahil sa pangyayari nawalan na sila ng panahon at lalo nilang napabayaan  ang kanilang mga magulang na naging sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay nila na may pagtatampo at pagdadalamhati sa kanilang puso . Ang magkapatid ay lalong napuno ng poot at di nakikitaan ng pagsisisi sa pagpanaw ng magulang.

 

Bumalik ang dalawa sa kabundukan para makipagkita kay Waka subalit wala na doon ang magandang dilag bagkus ang nagpakita sa kanila ay isang matandang babae at nagwika “Dahil binulag kayo ng Pag-Ibig at kasakiman, naglaho ang Dalisay na pag-ibig ninyo sa inyong mga magulang na  nag-aruga mula sa pagsilang ninyo …Kaya kayo ay aming pinaparusahan at simula ngayon ay gagawin namin kayong “Puso ng Saging “.Ang dalawang binata ay kumaripas ng takbo sa takot at nagsisigaw ng may pagsisisi subalit mas makapangyarihan ang parusa ng mga Mabubuting Engkanto at unti-unti ang dalawang binata ay naging Puso ng Saging kung saan unti-unting tumitiklop… na may patak ng mga luha.

 

Simula noon mapapansin natin na ang Puso ng Saging ay nagtataglay ito ng malapawis at luha sa kanyang katawan at pinaniniwalaan na ito ay luha ng pagtangis ng magkapatid.

 

Kaya mga bata laging tatandaan na maging mapagmahal at masunurin sa Dios at magulang, wag na wag kayong makikipag-away sa inyong mga kapatid  bagkus magtungan kayo ng may pagmamahal at respeto. Mahalin din natin ang ating mga magulang at sa katandaan nila gabayan at alagaan natin sila.Pahalagahan ninyo ang inyong mga magulang dahil sila ay biyayang kaloob ng Dios.

 

#OriginalStorybyTosh

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

BAKIT NGA BA ang SABI NGA NI BOB ONG ang PAMAGAT ng BLOG ko?