Kwaresma-Quarenta-Fourty
lahat ngayong araw na ito ipinagdiriwang ng mga kababayan nating Katoliko ang tinatawag na Ash Wednesday.Isa ito sa pinakamahalagang araw ng mga Kristiyano sa buong mundo.
Napakahalaga ng kwarenta sa panahon ni Hesus dahil ito rin yung bilang na nag ayuno at sinubok ang katatagan ng pagka-Dios niya. Tayong lahat ay nakaranas ng matinding pagsubok sa buhay, kanya-kanya tayo ng mukha kapag hinaharap ang mga pagsubok sa buhay.Marami sa atin ay pinaghihinaan ng loob at ang iba naman ay matapang na hinaharap ito.Tandaan natin ang lahat ng ito ay lilipas kalakip ng pagtitiwala at pananalig sa Poong Maykapal,
Para sa akin kakaiba at mas makabuluhan ngayon ang pagselebra ng Kwaresma dahil mas pinatatag tayo ng Pandemya ng Covid19.Mas mararandaman natin ang presensya ni Hesus sa ating buhay.Nawa ang pagpapala ng Dios ay lubos nating makamtan at buong kasiyahan nating purihin Siya.
Katatagan.Pananampalataya.Pagmamahal.Pagmamalasakit at Kahandaan...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento