Pandemya-Pandemonyo nga ba?
Sa araw na ito nais kong ibahagi ang mga bagay na nasa isipan ko...Napapaisip ako kung ano nga ba ang mabuting naidulot ng Pandemyang ito (may mabuti kaya?)... Sa Pandemyang ito marami ang nawalan...
-Nawalan ng trabaho
-Nawalan ng pagkakataong makatapos ng Pag-aaral
-Nawalan ng oportunidad para makapagbakasyon kasama ang minamahal sa buhay
-Nawalan ng pag-asa... at higit sa lahat...
- May mga kababayan tayo na nawalan ng mga minamahal sa buhay.
Sa kabila ng Pandemya dulot ng Covid19 may positibo din iniwan sa atin during lockdown.Isa na rito ay ang pagkakabuo ng Pamilya sa kanilang tahanan, tayo din ay natutong magpatawad sa mga taong may tampo sa atin, gumanda at sumigla ang ating Inang Yaman.Ang sitwasyon ding ito ay nakapagdulot ng magandang relasyon sa Poong Maykapal, natuto tayong maging mahinahon at labanan ang depression at nalaman din natin na ang makabagong teknolohiya ay hindi sapat para malabanan natin ang boredom.Higit sa lahat napatunayan natin na walang mas Makapangyarihan kundi ang Poong Maykapal because in just one snap He can make Impossible into Possible.
Tayo bilang Pilipino ay kilalang matapang at di sumusuko sa laban ng buhay.Ang mga Pinoy ay may mga katanginan na kayang harapin ang hamon ng buhay basta may Dios at pamilyang kinakapitan.Kaya ipagmalaki mong Pinoy ka!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento