ANG RELASYON NG LANGGAM SA KABIT
.jpg)
Maihahalintulad ko na ang munting langgam sa kabit (other woman/man)…yung bang mahilig kumagat sa pinaka iingatan ng isang nagmamahal (asawa/bf/gf),sabi nga kung ano pa yung tago at iniingatan ay siya pa ang“masarap”…Naisip ko bakit kaya me mga taong mahilig makisawsaw at makitikim sa taong committed na? marahil mas masarap nga ang bawal,yun bang me thrill…yung me misteryo pang nakatago…meron akong narinig na nagsabi “masarap daw ang bawal”…sa pakiwari ko,ano kaya ang masarap sa bawal..eh bawal nga yun…ahhhh….siguro depende din sa kung ano ang bawal…bakit maraming Pinoy pa din ang hindi nalalaman ang salitang bawal,iilan naba sa atin ang nakakakita ng babala na “bawal magtapon ng basura”,”bawal umihi dito” at “bawal tumawid nakamamatay”pero patuloy pa din ginagawa ng mga nakararaming Pinoy… Sabi ng mga mauunlad na bansa “ the key to success is to have a discipline and commitment “.Aminado tayo na ang Pinoy kulang sa disiplina,marami di natatakot sa batas ng gobyerno,lalong dumarami ang di natatakot na gumawa ng krimen para lang magkapera…
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento