D 'ADBENTYUR NG WALANG MAGAWA SA OPIS!





Wala ako magawa sa araw na ito,October 12, 2012,Biernes pang limang araw ko na sa bago kong trabaho at nag aantay nalang ng oras para umuwi…Maderpaker kung alam lang ni ninyo kung gaano kahirap ng walang ginagawa,lahat nalang yata eh naiopen ko na at naireview na,muntikan pa akong nakipag lips to lips sa screen ng laptop ko dahil sa sobrang antok (sana di ako nakita ng cctv sobrang nakakahiya)…sa super bordam ko sinubukan kong manood ng ST Film (hahaha) sa Tab ko,..anu ba yan!,sa totoo lang ang pinaka ayaw ko sa trabaho ay yung walang ginagawa,nakakapanis ng bayag at semilya…Naisipan kong i-share sa inyo ang karanasan ko ngayon baka makatulong sa napipikit kong mga mata…sabi ko sa isang staff dito na super antok ako…sabi niya “kape ka Sir,wag mong lagyan ng gatas”…nagtimpla ako ng kape at pinatapang ko,ganun pa din “wa epek “ …ang putik na kape di ako natulungan sa natutulog kong imahinasyon…Masarap sana ang ganitong pakirandam kung nasa kwarto ka,nakahiga sa malambot na kama at nagpapatugtog ka ng banayad na musika…yung pakirandam mo na hari ka at napapaligiran ka ng mga alipin mo at sinusubuan ka ng ubas at pinapaypayan ka..hahaha..ansarrrapppp! Anak ng tipaklong kung anu-ano na ang pumapasok sa malikot kong imahinasyon,nakakapraning ba ang walang magawa sa opis?hahaha..Di naman pupwede na puro himas itlog nalang baka biglang mapisa ang dapat mapisa…Problemang madaling solusyunan...hayyyy....

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PANGET PROBLEMS

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

POGI PROBLEM backtoback GANDA PROBLEM