HU ME?

Naenjoy ko rin ang pagbibinata ko dahil marami akong
kalokohan na nagawa..naranasan kong makipag inuman sa kanto ,naranasan ko ding
gumapang at nagsuka dahil sa sobrang kalasingan nung college ako,naranasan kong
main-love sa GF ng barkada ko at dahil alam namin na bawal naging magkaibigan
nalang kami at nabaling ang pagtingin ko sa isa kong barkada.Naranasan kong
makipag iyotan sa bar girl at maging sa di ko kilala (pero protektado
naman),naranasan kong mainlove ng todo at ma out of love pagkasising ko ng umaga..Naranasan
kong masakal ng dahil sa lintik na pag-ibig na yan...Naranasan kong maiwan at
nang-iwan...Natutunan kong magsinungaling at magtago ng mga bagay na alam kong
isang pagkakamali...at tinakbuhan ang isang responsibilidad.Bilang tao natural
nalang na maranasan ang mga pagkakamali at sana sa kabila ng pagkakamali natin
matuto tayong tumayo at itama ang kamaliang yan sa takdang panahon.
Sa buhay kong ito masasabi ko nang hinog na ako sa pagsubok dahil
ilang ulit na kaming dinalaw ng matitinding unos , pero sa kabila ng mga
pagsubok na ito ay pinilit naming itinatayo ang matibay naming pananalig sa
Diyos.Dahil ako na ang magsasabi sa inyo na totoo ang DIYOS.Mula pagkabata
natutunan ko ang mga bagay na ang kahirapan ay isa lamang karanasan para
magpursige ka para lumago ang iyong pamumuhay.Itinuro din sa amin ng aming mga
magulang kung gaano kahalaga ng pananalig sa Diyos maging ang pagdarasal ng
Sto.Rosario dahil noong nabubuhay pa ang aking ama isa siyang deboto ng Mahal
na Birheng Maria.Maging kami ng mga insan ko ay deboto ng Mahal na Birhen
particularly ng Birhen Delos Remedios at ng Sto.Cristo Del Perdon.Kinalakihan
na namin ang Cruzadang to sa Pampanga.
Marami akong laro na kinahihilgan noong bata ako
gustong-gusto ang larong baseball at basketball,naalala ko pa noon na lumiliban
pa ako sa klase nung H.S para manood lang ng laban ng UTAH Jazz at ng CHICAGO
Bulls…hehehe,Jordan fanatic kasi ako…at kung saan may liga doon kami ng mga
pinsan ko.Mhilig din akong manood ng palabas sa TV gaya ng Voltez
V,Voltron,Mazinger Z, Bioman at Zaider…may nakalimutan pala ako ang That's Entertainment,Pera o Kahon,Ang Manok ni San Pedro,Tarzan at
MACGYVER…hehehe..
After my College inumpisahan ko ng magjob hunting,pumasok
ako sa isang Membership Mall na MAKRO kung saan naging Team Leader ako ng
Marketing Department nila…naging Bisor din ako ng isang local na Restaurant, pagkatapos naging
HR at Department Head ng isang Maliit na Mall sa Pampanga,nag call center ako
bilang verifier ng mga information ng mga kliyente,naging Account Officer ako
ng Asia United Inc. at napromote bilang Bisor on the same position, sa ngayon
isa na akong Department Head ng isang Corporation dito sa Makati at masasabi ko na
ang tagumpay ng isang tao ay nasa pagpupursige
at tiwala sa sarili.
Habang sinusulat ko,naisip ko tuloy na sana bumalik ulit ako
sa pagkabata at maranasan muli ang simple at masayang pamumuhay noon sa
probinsya ng Pampanga…wla akong pinagsisihan sa ibinigay na experience ng Inang Buhay para sa akin..(naks heavy ng termi ko!)
Salamat po sa mga nagbasa..next time ulit!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento