PIT SENIOR CEBU!

The very famous  Cebu,actually dalawang beses na akong nakaapak  sa Cebu and usually we stay @ Mango St. dahil andito ang mga gimikan. Ang Cebu na yata ang isa sa mga nagustuhan kong lugar sa Pilipinas,isa sa mga tourist spot na nagustuhan ko ay ang Basilica ng Sto. Nino,kung saan makikita ang pamosong imahen ng itim na Sto. Nino,nandyan din ang Fort San Pedro which is the oldest and smallest fort in the Philippines. It was a triangular bastion initially built with logs and mud .Nakakalula ang istraktura nito..Nagpakalat-kalat din kami sa Colon Street at Carbon Market para tumingin-tingin ng pwedeng mabitbit pauwi ng Manila....andyan din ang The Cebu Heritage Monument w/c is a tableau built by the National Artist Eduardo Castrillo,syempre bisitahin din ang Lapu-lapu Monument sa may Mactan Island.  Wag din kalilimutan ang Cross ni Magellan na nasa gilid lang ng Basilica ng Sto.Nino,pwede kang mag alay ng dasal at kandila o kaya magpadasal through the dancing ladies na nasa paligid lang ng krus ni Magellan...I had a very memorable stay in Cebu dito ko yata na enjoy na magpakalat kalat sa Ayala Mall at mag papicture sa magandang landscaping sa paligid nito.Napagkamalan din akong Koreano sa Cebu  hahaha..Sa akin ang Cebu ay isa mga lugar na dapat bisitahin..You can visit Cebu as well as Bohol dahil pwede kang magtravel sa pamamagitan ng pagbook at pagsakay sa Ferry.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PANGET PROBLEMS

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

POGI PROBLEM backtoback GANDA PROBLEM