City of Smile Bacolod







Pinakaunang lugar na pinuntahan ko and take note nag-Super Ferry kami..hahaha,halos bumaligtad ang sikmura ko tindi ng alon papuntang Bacolod at syempre fear ko ang dagat kaya medyo kabado po ang inyong lingkod..Excited ako kasi ito ang unang pagkakataon na makaapak sa lugar ng  mga masisiyahing tao.Pinakanagustuhan ko sa Bacolod ay ang kanilang Chicken Inasal ,kung gusto ninyo ng Jumbo Chicken na Inasal I suggest sa Bacolod kayo pumunta...Masaya naman ang pag-stay ko sa Bacolod dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw ang mga kaibigan doon.Nagkaroon ako ng pagkakataon na masilayan ang taunang pagseselebrate ng kanilang Maskara Festival and I was surprise na madami talagang lumalahok dito at talaga naman pinaghahandaan.
Madaming tourist destination sa Bacolod,you can drop by the Capital Grounds and Lagoon which is located @Lacson St. in the heart of Bacolod.Syempre bisitahin din ang San Sebastian Cathedral sa may Downtown ng Bacolod.Syempre nandyan din ang Mambukal Resort na malapit lang sa Murcia,ang resort na ito ay pag-aari ng Gobyerno ng Bacolod.Wag din kalilimutan bisitahin ang Silay City para makita ang mga historical landmark ng Negros.

Syempre bago umuwi ng Manila pumasyal kami sa SM-Bacolod kung saan dito kami nakipagmeet and greet kay Marian Rivera..hahaha,napaka awkward nga ng sitwasyon dahil nagpaka teenager kami.Syempre bago ang uwian bumili kami ng pasalubong gaya ng Daing na pusit,piaya at Pinasugbu...

Its more fun in the Philippines talaga!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PANGET PROBLEMS

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

POGI PROBLEM backtoback GANDA PROBLEM