PANALANGIN KAY BOSSING...
Kumusta na po kayo? Nagkikita po ba kayo ni Tatay?ikumusta mo po ako sa kanya,sana nasa mabuti po kayong kalagayan habang binabasa po ninyo ang sulat ko…
Ako man po ay salbahe sa paningin ng iba,alam po ninyo ang nilalaman ng puso ko,gaano katakot na mawala kayo sa isip ko..alam naman po ninyo na super lakas ko po sa inyo,you never fail to help me..ilang beses mo na rin po ako sinagip sa mga alanganin na sitwasyon,naalala po ba nyo nung humingi ako sa inyo ng bagong trabaho at inakala ko na pinabayaan po ninyo ako,eh yun pala eh,naghanap ka lang ng tamang timing para sa akin,lahat po ng nilagay ko sa diary ay tinupad niyo..ano pa ba ang mahihiling ko,alam ko gradually eh makakamtan ko ang success! Yes to success!!! Lord wag nyo ko iiwan ha? Lalo na ang family ko,minsan eh sumasablay ako sa inyo pero alam nyo gaano ako katakot na mawala kayo sa akin…Basta alam po ninyo how much I Love You, sana naman kahit papano eh makabawi naman ako sa inyo,dami ko na utang..hehehehe,taz naalala mo po ba yung nangako ako sa inyo na magtatapos ako sa pagpapari? Ehhhh, nabigo na naman kayo sa akin minsan nagdududa ako sa inyo, pero at the end kinokonyatan ko sarili ko dahil kabaliwan yun…ikaw Fake? Eh ilang ulit mo na nga ako tinulungan na walang kapalit diba? Naku kung ililista ko po sa inyo ang kabutihang ginawa nyo sa akin eh kulang po ang papel na to sa computer,basta you know how much I owe and love you..Naalala mo po ba nung College ako at sa townhouse pa nakatira at naiwan kong naka-on ang plantsa at nakalagay mismo sa damit...habang nasa byahe ako pina-alala mo sa akin ang mga bagay na yun at kayo mismo ang gumawa ng paraan para di masunog ang bahay...(nawalan ng ilaw maghapon..hehehe)...Eh yung dasal ako sa inyo ng mataimtim na pagalingin mo ang Mama sa Stage 3 Cancer nya...pinakinggan din ulit po nyo ako..noong nasa ICU ang nag-iisa kong kapatid na babae at muntik ng mamatay sa panganganak nya...narandaman kong andun na naman po kayo...at noong hiningi ko sa inyo na bigyan nyo ng mabait na mapapangasawa ang kapatid ko dahil labis ang kalungutan nya nung namatay si tatay at isasakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan sa kanya...tinupad ulit ny yun..Madami akong dapat ipagpasalamat sayo dahil lagi mong ipinaparandam na nadyan ka para sa akin at sa pamilya ko..andyan ka para kayanin namin lahat ang mga unos ...Ipinagpapasalamat ko ang maganda at gwapo kong mga anak..Ang mga anak na nagbibigay sa akin ng kaligayahan ..mga anak na pinangarap ko...Korni man po ang post ko ngayon pero sa puso ko nangagaling ito...
Labis na inlove sa Inyo,
JOECEL TOSH
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento