Isang Kwento ng isang Tatay na Nakasakay ko sa Bus...
Habang pauwi ako ng Maynila galing Bulacan,nakatabi ko ang isang matandang lalake at sa di sinasadyang pagkakataon nag-open siya ng kanyang saloobin sa akin…Nalungkot ako sa kwento niya…
Hindi ko inaasahan na may mga anak na walang pagpapahalaga sa kanilang mga magulang…na siyang nagbigay buhay sa kanila…si Tatay Felie ay nagkataon na walang trabaho at nakatira sa nag-iisa niyang anak na sa inakala niya na magbibigay sa kanya ng tamang pagkalinga,pagmamahal at respeto…Ayon sa kanyang kwento tinrato siya ng kanyang anak na parang palamunin at walang silbi dahil sa wala itong maiaabot para sa araw-araw na pagkain,naawa ako sa matanda habang umiiyak’ sabi ko tay ano bang problema? May ginawa po ba kayong kasalanan kaya ganyan nalang ang pagtrato ng anak nyo sa inyo?
Sabi ni Tay Felie sa akin…anak sa haba ng tinakbo ng buhay ko minsan na akong nagkamali at ang pagkakamaling yon ay itinama ko sa abot na aming makakaya ng aking asawa..alam ko salat kami at di naibigay sa kanya ang mga bagay na mayroon ang kanyang mga kaklase nung nag aaral pa siya pero sinikap naming na itaguyod siya sa kanyang kolehiyo at ngayong may asawa’t anak na siya at matagumpay na sa buhay inaasahan namin na arugain kami at bigyan ng respeto..
Ano nga ba ang silbi ng salapi mo sa bangko at negosyo mo kung ang magulang mo eh salat sayong pagmamahal at respeto…ano nga ba ang silbi mo kung hindi mo kayang intindihin ang magulang mo dahil sa katandaan ay may katigasan na ng ulo?...ano nga ba ang silbi mo kung nakikita mo ang iyong magulang na umiiyak sa sama ng loob habang ang iba nakikita nyang natutulungan mo samantalang sarili mong magulang pinagkakait mo ang simpleng bagay na alam mong ikakatuwa nila.
Sabi ko kay Tay Felie …alam mo Tay ipinagpapasalamat ko po na nakasakay ko kayo sa bus dahil iminulat ninyo ang aking sa mata sa mga di ko nakikita,minsan nabubulag ako sa bagay na natatanggap ko…pero alam po ninyo simula nung namatay ang itay ko ipinangako ko pong aalagaan ang mahal kong ina sa abot ng makakaya ko…kung kaya kong ibigay ang kaligayahan na para sa akin ay kaya kong iaalay ito sa aking ina,dahil alam ko lahat ng tao ay may pagkakamali at kailangan natin maging mapagkumbaba at marunong magpatawad.
Sabi ni Tay Felie kaya kayo (kasi may katabi akong estudyante) hannga’t kaya yong pagsilbihan mga magulang nyo na walang sama ng loob gawin niyo..darating ang panahon kung ano ginawa mo sa mga magulang mo ay siyang babalik sayo…
Pareho kaming bumaba ni Tay Felie sa Kamuning…niyaya ko siyang kumain but he insist dahil may naghihintay daw sa kanya….ang kanyang asawa..nagpasalamat siya .
Hayyy..watadey! salamat sa Diyos at may mga anghel siya sa katauhan ni Tay Felie na magbubukas sa kamalayan natin…

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento