GREEN MINDED DAW MGA OPISMEYT KO....MEDYO LANG!

Lahat ng tao ay may kakayahang magkwento ng iba-ibang experience sa buhay...mga kwentong kababalaghan..mga kwentong kulitan...mga kwentong probinsya ...pero ang higit na nakaka-angat ay ang kwentong bastos na lagi nalang nabubukasan kapag nagkikita na ang mga ekperyansadong mamayan ng RCD..malimit pag usapan ang mga posisyong ginagawa ng kanilang mga partner at ang mga posisyong kakaiba na magbibigay ng ekstrang kasiyahan sa kanilang mga partner...Nakakatuwang isipin na ang topic na ito ay bukas sa aming kumpanya..walang di tatawa sa mga bagay na na-uugnay sa SEX..Bakit nga iniiwasan ng iba ang kwentuhan tungkol sa SEX? dahil sa akala nila ito sa isang kalaswaan?...Ang SEX ay hindi malaswa ...ang SEX ay isang sining na kung saan ipinapahayag ang pagiging malikhain ng isang indibidwal... TUMATAAS ang testosterone at estrogen levels sa pamamagitan ng regular sexual activity.
Hindi lamang nagpapatindi ng sex driver ang testosterone kundi nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng mga buto at muscles, at nagpapatibay ng puso.
Sa kababaihan, ang sex ay nagpapataas ng level ng estrogen, na nagpoprotekta laban sa sakit sa puso.
Nagtataka ka ba kung bakit gustong-gusto ng kababaihan na palagi silang hinahaplos? Ito ay dahil sa pagtaas ng kanilang estrogen levels.
May malaking tungkulin din ang hormone sa natural na bango ng katawan ng kababaihan. Bagama’t nagiging sentimental ang kababaihan bunsod ng estrogen, ang pagtaas ng level ng kanilang testosterone ay nagdudulot din sa kanila ng pagnanais na ma-penetrate.
Nagpoprodyus din ang kalalakihan ng estrogen habang sila ay nagkaka-edad. Tumataas ang kanilang estrogen level habang bumababa naman ang kanilang testosterone level. At sa nagaganap na reversal na ito habang sila ay nagkaka-edad, lalo naman silang nagiging kalmado sa paglipas ng mga taon.
Iba pang benepisyo
Hindi maikakaila na marami pang benepisyo ang idinudulot ng sex. Nakapagpapadagdag ito ng brain power, nagpapabilis ng heart rate, panlaban sa iba’t ibang uri ng sakit, at nakapagpapagaan ito ng pakiramdam ng tao.
Sa panahon ngayon na pawang abala ang mga tao, napakahirap para sa kanila na makahanap ng bakanteng oras para sa madalas na intimate sex, ngunit hangga’t gumagawa ka ng paraan upang maisagawa ito, mauunawaan mo na sulit naman pala ito.
Ang benepisyo sa kalusugan ng sex ay magdudulot sa iyo ng kakaibang pakiramdam sa loob at labas ng iyong katawan. At unti-unti mong mapapansin na kung gaano ka kadalas makipagtalik, mas lalo ka namang nagiging masigla. Hindi lamang sa sex natatamo ang kaligayahan, ngunit may mahalagang bahagi ang sex sa ikaliligaya ng bawat tao.SEX-SEX din pag may TIME...


Maraming salamat sa Certified Adik sa Dotdot...part of my BLOG galing sa kanila...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PANGET PROBLEMS

BOHOL...tahanan ng Tsokolateng Bundok-bundukan

POGI PROBLEM backtoback GANDA PROBLEM