MONEY MAGNET (I-BATO- BALANI MO ANG PERA)...
Medyo busy this past few days kasi andaming activity na ginawa sa kumpanya namin, from Business Planning hanggang sa mga NRS at Motivational Seminar…Minsan mas mabuting okupado ang araw mo sa trabaho para marandaman ang pagiging worth mo sa kumpanya,mas mabilis din lilipas ang oras kapag super busy ka…Noong Sabado nagkaroon ako ng chance na umattend ng Seminar ni John Calub sa me Metrowalk,Metro Tent ang topic niya ay Money-Magnet…(how you attract Millions),nakakatuwa ang Seminar na ito dahil napaka-kwela ng speaker, from rags to riches ang buhay niya…nag umpisa ang pag asenso niya dahil nagkaroon siya ng chance ma-meet ang isang sikat na writer na si Jack Canfield na isang American Motivational Speaker,isang guro at sumulat ng Chicken Soup for the Soul,sinabi daw ni Jack Canfield sa Seminar niya na napaka simple lang daw umasenso,gupitin mo daw sa magazine ang mga gusto mo sa buhay at idikit sa board at try to imagine that this things is in your possession na..sabi pa dun na ang mga tamad ay madaling umasenso…Nung una hindi naniniwala si John Calub sa sinabi ni Jack Canfield,until one time sumakay siya ng jeep papuntang Inquirer at nakita niya ang jeepney driver,naisip niya na ang driver ay super sipag pero hanggang ngayon hirap pa rin,that was the time that he realized what Mr. Jack Canfiled say’s na di mo kelangan maging super sipag para yumaman..kelangan mo lang maging postive and attract the money energy…Sa buong Seminar hindi lamang niya ipinaliwanag kung paano ka makaka-attract ng pera bagkus itinuro din nya na importante ding magbigay at magpatawad ka sa kapwa mo…at ang pagdarasal at paglapit sa Dios ay isang malaking paraan para sa pag asenso…
Mahigit dalawang libo ang ang umatend sa seminar nya at nakita ko na mga puro mga businessman at mga edukado ang halos na tagapakinig niya.Nakakatawa ring isipin na merong isang buong pamilya ang mga umaatend,yun katabi ko sa upuan they were around 13 to 14 yrs old pero makikita mo how they participate and want to become successful…Meron ding mga mag partner at mag-syota ang umattend at game din sa pagsigaw ng We have a Multi-millionaire in Mind o kaya naman We are Money Magnet!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento